Biyernes, Agosto 18, 2017

Isa pang sibilyan, panibagong biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang ng tropang 31st IBPA


Pahayag sa Midya
Agosto 18, 2017


Nadagdagan na naman ang biktima ng extra-judicial na pamamaslang ng tropang 31st IBPA sa pagpaslang nila kay Brgy. Kapitan Oscar Jetomo ng Brgy. Marinas, Gubat, Sorsogon. Si Kap. Jetomo ay binaril-patay sa kanyang tahanan nitong alas-8 ng gabi, Agosto 16, 2017. Ang pagpaslang kay Kapitan Jetomo ng tropang 31st IBPA ay bahagi ng nagpapatuloy na karahasan ng mga militar laban sa mamamayang sibilyan ng Gubat, Sorsogon.
Namalagi sa ilang barangay ng Gubat, Sorsogon ang tropang militar mula pa noong Agosto 7, pagkatapos ng matagumpay na ambus ng BHB laban sa kanilang hanay sa Brgy. Casili ng parehong bayan. Siyam na araw nang pabalik-balik sa Brgy Marinas ang combat operation ng tropang 31st IBPA nang mangyari ang pamamaslang kay Kapitan Jetomo. Mula Agosto 14, nakamantini na sa loob ng Brgy. Marinas ang isang platun ng 31st IBPA na nagpalipat-lipat lamang ng pwesto at nagpapakalat pa ng kwento sa hanay ng mga residente ng baryo na may hinahanap silang mga nawawalang baril nila. Tatlong nakadamit-sibilyan na kaaway ang bumaril kay Kapitan Jetomo gamit ang maiksing baril. Habang halos isang daang metro (100) lamang ang layo mula sa kanyang bahay ng mga unipormadong tropa ng militar na armado ng mahahabang baril.
Matagal nang gawain ng mga pasistang kaaway na pagbalingan ng galit ang mga di-armadong sibilyan kapag sila ay natatalo sa labanan. Pagkatapos lamang ng matagumpay na ambus ng BHB noong Agosto 7 sa Brgy. Casili, Gubat, Sorsogon, tatlong sibilyang magsasaka na ang walang-awang pinaslang ng mga nauulol-na-asong tropang militar at ilang sampung sibilyan na ang biktima ng kanilang pananakot.
Malinaw sa mga kaganapang ito na walang-pakundangan ang tropang AFP-PNP sa paglapastangan sa karapatang-pantao ng mamamayang sibilyan, sa CARHRIHL at sa mga internasyunal na makataong batas.


Papanagutin ang pasistang tropang 31st IBPA sa kanilang mga karahasan at pang-aabuso sa mamamayan!


Ka Samuel Guerrero
Tagapagsalita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento