Huwebes, Agosto 24, 2017

SPO1 Nestor Austero, Hinatulan ng Kamatayan ng Hukumang Bayan


Pahayag sa Midya
Agosto 25, 2017


Isinakatuparan ng Celso Minguez Command-BHB ang hatol na kamatayan ng hukumang bayan laban sa isang aktibong elemento ng PNP-Bulan na masigasig sa kontra-insurhensiyang operasyon nito.

Hinatulan ng kamatayan ng hukumang bayan si SPO1 Nestor Austero ng PNP-Bulan dahil sa malinaw at direktang pagkakasangkot nito sa paglalatag ng mga impormer sa ilang baranggay ng bayan ng Bulan at pagiging masigasig sa mga kontra-insurhensyang operasyon nila:

Noong Abril 2015, isinumbong ng isang impormer ni SPO1 Austero sa Baranggay Recto, Bulan ang presensya ng yunit ng BHB sa kanilang baryo na nagresulta sa combat operation ng magkakumbinang tropa ng pulis at sundalo at panghaharas sa ilang sibilyang magsasaka sa lugar na pinagbibintangan nilang sumusuporta sa BHB.

Noong 2016, nakilala si SPO1 Austero ng mga sibilyan sa Brgy. Calpi, Bulan na kasabay ng mga tropang pulis at militar na nanghaharas sa isang pamilya na residente dito. Gusto nilang halughugin ang bahay ng pamilya kahit na walang search warrant. Habang nakikipag-usap ang mga opisyal sa baranggay sa mga tropang kaaway para pigilan sila at proteksyunan ang hinaharas na pamilya, pilit na pumasok sa bakuran si SPO1 Austero at nagpumilit pang pumasok sa bahay.

Noong Hulyo 2017, muling inireport ng mga impormer ni SPO1 Austero ang presensya ng mga kasama sa Baranggay Namo at Recto ng bayan ng Bulan.

Bagama't bahagi ng trabaho ng kapulisan ang mag-operasyon bilang bahagi ng kontra-insurhensyang programa ng reaksyunaryong gubyerno na bahagi ang PNP, selektibo pa rin ang patakaran ng rebolusyonaryong kilusan kaugnay sa pagpaparusa ng mga elemento ng PNP. Yaong lamang mga pulis na napatunayan sa paglilitis ng hukumang bayan na direktang embwelto sa mga pang-aabuso sa karapatang-pantao ng mamamayan at masigasig sa gawaing paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan ang pinaparusahan. Ang pagpaparusa kay SPO1 Austero ay babala sa iba pang pulis na huwag gumawa na mga krimeng tulad ng ginawa nito.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!


Ka Samuel Guerrero
Tagapagsalita


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento