Huwebes, Setyembre 21, 2017

Hinggil sa dalawang magkasunod na aksyong militar ng NPA sa Gubat at Bacon District


Pahayag sa Midya
Setyembre 21, 2017


Hinggil sa dalawang magkasunod na aksyong militar ng NPA 
sa Gubat at Bacon District


Pinuputukan ng isang iskwad ng NPA ang detatsment ng 3rd Manuever Coy, 5PPSB sa Brgy. San Ignacio, Gubat noong Sept. 18 nang alas-8 ng gabi. Kasabay nito, sinunog din nila ang anim (6) na unplated na motorsiklo sa loob ng kampo na gamit ng kapulisan.

Ang nasabing aksyon ay pamamarusa sa tropang 5PPSB, PNP na aktibong kalahok, kasabay ng 31st IBPA at 5MICO, sa mga ekstra-hudisyal na pamamaslang ng mga sibilyang Sorsoganon na laganap na sa iba't-ibang bayan ng probinsya.

Sumunod na araw ng Sept 19, alas 5 ng hapon, nagka-engkwentro ang isang iskwad ng NPA at isang platun ng 31st IBPA sa Sityo Sta. Teresita, Brgy. Bato, Bacon. Paakyat sa isang mataas na burol ang mga kasama na dati na palang napoposisyunan ng tropang militar nang magka-engkwentro sila. Nakauna ng putok ang vanguard ng iskwad ng NPA kaya napuruhan ang isang elemento ng militar na napatay sa nasabing labanan. Pagkatapos ng halos sampung-minutong labanan, ligtas na umatras ang mga kasama. Ilang araw nang nasa combat operation sa mga upland baranggays ng Bacon District, Sorsogon City ang tropang 31st IBPA nang magkalabanan.


Ka Samuel Guerrero
Tagapagsalita

1 komento:

  1. Sorry but as a Foreigner I only know English.
    What is your official stand on Foreigners living with their Philippine Families in Bicol?

    TumugonBurahin